Sunday, July 9, 2006

Chapter I: A Widely Opened Gate

... cont'd
Inubos namin ang isang oras sa paglalaro. Umuwi na kami at nagkukwentuhan tungkol dun sa isang maputing anghel na chinita doon sa shop. "Ok ba ung babae?" sabi niJamie. "Maputi lang eh!" hirit naman ni Angelo. Ako naman "Maganda naman ah." Na parang wala lang at hindi pinahahalata na tinamaan ako.

Lumipas na ang pasko, new year, ano paman. Nasa trabaho ako. I’m a current staff of Weblink noon. Gabi na nang biglang dumating si Angelo. "Uy tulungan mo ako, iinstall natin ung Battle Realms dun sa Shop". "saang shop?" tanong ko. "dun sa "The Street" sagot ni Angelo. "Ah, buhay pa pala yun?". "Oo kaya tara na". "ok sige sara ko lang to". And then pumunta na nga kami. Pagdating namin, "Ay Kuya Jong, Si Benjie" pinakilala ako dun sa may ari.. At yon, pina-install nga ang dapat i-install, at ang dapat i-ayos. Habang gumagawa ako, iniinterbyu naman ako nung asawa ni Kuya Jong, si Tita Marie. Kilala ko sya dahil kakilala din sya ng Mommy ko. After a minutes, lumabas yung anak nilang si Stacy. Tinanong ako "Bakit nyo po gigawa yan, para saan po yan?" na para bang batang matanong na nagtatanong sa isang matandang karpintero. Ako naman nahihiyang isinagot ang "Ah, eh… para maayos yung desktop. Ino-organize ko yug mga icon" gumagawa kasi ako ng Toolbar noong mga oras nay un. "Ah ok" sagot naman nya.

At doon na nag-umpisa ang lagi naming pag punta doon. Nagging welcome na kami sa pamilya. Kami ang taga maintain ng mga computer doon kaya libre na kaming tatlo. Tumutulong din kasi si Jamie doon. Sya yung taga-kumpuni ng Hardware at networking. Ako naman sa Software at si Angelo, ano nga bang papel ni angelo doon? Alam ko, taga sabi lang sya ng mga kung anong nakita nya sa iba. So in short, taga-update? Ewan?! Doon din namin nakilala and kapatid ni Stacy na si Kieth, at si Peewee. At nalaman ko na rin ang pangalan ng isang maputing anghel na chinita. Siya pala si Mikhaela. Nalaman ko rin sa sa Tatay pala ni mikhaela ang mga Computer na ginagamit dun sa shop. Doon rin naming nakilala ang magkakaibigang Julian, Kuya James, at Martin. Pati narin si Panny na bestfriend ni Stacy. At iyon, doon na nabuo ang tropang tinawag nilang "Quack". After a few days, naguusap kaming tatlong orig. na friends along with some old friends, Borgy & Jay-Pee. We were talking about chicks. Sumasarap ang kwentuhan. "Ligawan mo na kasi si Mikhaela" sabi ni Jamie. "Oo nga, unahan ka na namin" hirit ni Angelo. "Basta kami maybinabalak ni Jamie, ‘no Jamie?" pahabol ni Angelo. "oo nga"

Well ako naman si pakipot pang parang walang binabalak. Ayaw ko malaman nila baka gumuho ang "Uno Stacko", you know!? ^_^


End of Chapter 1

No comments:

Post a Comment