Thursday, June 22, 2006

SCQ Reload

Masarap. Masarap ang pagkain. Masarap ang kumain. Masarap.
Sugpo, Alimango, Pusit, Crispy pata, Liempo, Pizza, Hamburger at Boy Bawang.
Lahat nang yan ay ilan lamang sa maituturing na Pampa-Highblood at pampa-taas ng CHOLESTEROL.
Oo nga't masarasarap yan. pero...
WHAT THE HECK!!? BASTA MASARAP! BAHALA NA!!! >.<


Matagal na panahon na rin na wala akong exercise sa katawan. Simula nung magbakasyon nung summer, hindi na ako nakakapag-papapawis (maliban na lang kung sobrang init sa kwarto). Sa bawat araw na lang na ginawa ng diyos, lagi akong kain, tulog, harap sa PC, laro ng PS2, tulog, gising, tulog, kain, and so on. Paulit-ulit. Walang nagbabago sa systema. BUMMER ika nga. Sobrang tamad. kulang na lang tamarin sa pag hinga.

At dumating na nga ang kinatatakutan ko, ang pag laki ng aking tiyan! Sa bawat araw siguro ng pag gising ko sa umaga, nadadagdagan ng 1cm ang taba ko sa tiyan. hindi maiwasan. masarap ang kanin. masarap ang golden liquid (pero hindi ako tomador)... (hindi rin ako defensive).

Marami na akong naiisip na gustong gawin at bilihin na tila imposible. Gusto kong bumili ng mga binebenta sa TV na pampaliit ng tiyan at gusto kong subukan ang "Piliates". Gusto ko ring bumili ng "Carbotame" na pampawalang gana sa pagkain. Pero nitong huli lang, nagising ako sa katotohanan. San naman ako kukuha ng perang pambili nung mga yon. Isa pa, may mga ibang paraan pa naman. Pwede akong mag enroll sa isang gym o kaya mag enroll sa isang Boxing Training Center. Pero tila nababaliw nanaman ako. Kelangan ko muna habaan ang aking stamina dahil madali talaga akong mapagod. Isang paraan para habaan ito ay ang pag-jojogging (ng seryoso at walang kinakarir *wink*).

Kaya nagpasya na ako. Kelangang simulan ko na ang pag eehersisyo para maabot ko ang aking gustong hubog ng katawan. hehe. This time, gusto ko canstant na at walang mintis. Tuesdays and Thusdays ang napili kong araw dahil nasimulan ko na kagabi, June 20, Tuesday. Niyaya ko mag jogging sina Hubert (yoo-bert) at Tejal (teh-hal) sa Sports Center dito sa Marikina. Pumayag naman ang mga loko at feeling ko gusto kin nilang lumiit ang mga abdomen nila. Isa lang pala ang aming hangarin. Lumiiit ang tiyan at tingin ko, its time for a QUEST. The Sports Center Quest! (*jejejejeng!!!*)

Gabi... 7:something PM

Nagpunta na si Tejal(teh-hal) sa bahay at si Hubert(yoo-bert) ay dumating 30mins later, para sunduin ako. Mula bahay, nilakad namin papuntang Sports Center. Mejo malayu-layu din ang nilakad namin. (Isipin nyo na lang Cartimar sa Recto hanggang Mayric's Bar sa Espaƃ±a na may liku-liko). Ayos lang para naman ma-warm-up kami. Pagdating sa may harap ng entrance, may naalala akong tao. Pero saking na lang yun *wink* ^^. Nagbayad na kami ng entrance fee na umaatikabong Limang piso or Five pesos (para sa mga naguumingles) at pagpasok namin, gyera na...


"say my name biatch!"


Buddy en Sol


"'Wag jan please"


Super Exhausted


"ako'y isang PANIKI! ik-ik!"


"Pare, sleep na tayo...*yawn*"


"pari kamira wu!"


"HUY ELYEN OH!!!"


Ninjitsu


"tutulog na muna ako"

Ang sarap ng feeling pag seryoso ka sa ginagawa mo. Kaya pag uwi namin ng 11PM, dumirecho kami sa isang Tres Pares na restaurant. umorder ako beef mami at ang sarap!!! yum-yum! yung dalawa, nag beef pares naman.

First round pa lang yang ng SCQ namin. Marami pang darating na SCQ sa mga susunod na araw. Kaya kelangan, kumain ng sapat at matulog ng maaga.

~end.

No comments:

Post a Comment