Tuesday, July 25, 2006

Chapter II: First Step: A bear, a letter, a song

by Ivan Aguilar
Type: Fiction


H
ey, it’s my Brithday. Hindi ko inaasahang makakatanggap ako ng regalo galing sa shop. Pagpunta ko doon, nagulat ako nang bigyan ako ni Tita Marie ng box na may handle. “buksan mo na” sabi nni Tita Marie. “Si Mikhaela ang pumili nyan!” pabirong sabi naman ni Tita Lenlen, kapatid ni Tita Marie at mother ni Mikhela, tinutukso palang nila ako kay Mikhaela noong mga araw na yun. May rumor na kasi noon na may crush ako kay Mikhaela eh. Binuksan ko na ang kahon at… TADA! Isang Puting T-shirt na may nakalagay na “BOLO”. WOW! Astig kumikintab yung sulat pag-naarawan. Tuwang-tuwa ako noon kasi ngayon lang ako nakatanggap ng regalo galing sa ibang tao na kelan mo lang nakilala. Kahit ba na T-shirt lang na imitation, tuwang tuwa parin ako at masayang-masaya. “Thank you very much!”

Mag-vaValentines day na! Feb 13, kinabukasan Valentines na. kailangang mabigyan ko ng Valentines gift si Mikhaela. Pumunta ako sa St. Lucille Mall at pumunta sa Black Garlic at bumili ng Regalo. Wala akong Makita. “Ah ayun nalang!” sabi ko sa sarili ko. Isang Stuffed toy na Bear ang napili ko. May pangalan pa! Si Pooper! Aheheh how cute … At di lang yun.. bumili rin ako ng card and earlier that day, pumunta ako sa Weblink para magprint ng kanta sa isang presentable na papel. Isang kantang dedicated ko sa kanya nung mga panahong iyon. “Flurry” yung title ng song. Tapos sinama ko sa sobre ng card yung papel na may katakot-takot na dedication. Kinagabihan, tinago ko yung regalo sa may ilalim ng kama dahil baka Makita ng parents ko. Nahihiya kasi ako na malaman nila na umiibig na ang anak nila. HEHEHE! Kinabukasan… Valentines Day na, gagawin ko na ang first step. This is it! Nilabanan ko na ang pagkatorpe ko at ito’y nagapi! Unang panliligaw ko. Pumunta ako sa shop ng hapon kaso wala pa sya. Naya school pa at 6:15 pa ang uwi. Pinaalam ko na kila Stacy na may-ibibigay akong gift para kay Mikhaela. 6:00 na wala parin nang bigla na syang dumating na may kasamang lalaki. “PATAY… ano to? Isang Pugo? May boyfriend na siya???” yun ang unang sentence na pumasok sa kukote ko. Pero awa ng diyos, hindi pala. Classmate yun ni Mikhaela na nanliligaw din sa kanya. Si Sandwich, mukhang rich kid at mistizuhin. Parang taob ako dito, wala akong panama. “hA? Karibal?” may gift din yata. Isang roses para kay Stacy at 3 rosas kay Mikhaela. Dinaan ko nalang sa mataimtim na pag-cacounter-strike ang mga sandaling iyon. Sa wakes umalis na ang asungot. Gusto ring magcounter-strike ni Mikhaela. Isa lang ang bakanteng upuan… SA TABI KO! “sigaw ko sa loob-loob ko. Doon nga siya umupo saan pa ba? Eh wala nang iba. No choice eh. Nag-antay muna ako ng ilang sandali. Pinag-enjoy ko muna syang maglaro. After a few minutes, “Ay mikhaela, para sayo oh, happy valentines!” biglang labas ng nakatagong Blue na Regalong galing sa Black Garlic. Nabigla si Mikhaela sa binigay ko, “Uy! Thank You! Bat mo pa ako binigyan nito? Eto naman oh nag-abala pa! Thank you,… thank you, thank you” labis ang bigla ang pasasalamat nya. Maya-maya pumasok sya sa loob. Ewan ko? Para tingnan ang laman? Siguro? Sana! Nang biglang may tumili ng matining na boses “AAAAAYYYYY!!!” si Mikhaela. I dunno why? Humirit si Stacy na “Uy si Mikhaela kinikilig! Uy!” “hoy ano ka! Hindee, may dumaan kasing ipis eh!”… ako naman na flattered dun sa sinabi ni Stacy na kahit pa biro, masaya ako dahil may sigaw ng pagkakilig akong narinig sa loob ng bahay nila. At iyon doon na nag simula ang Una, pero malagim kong panliligaw sa isang tunay na “Love” kung tawagin. ^_^

-end-

Sunday, July 16, 2006

Stand-up, Comedy!

Western Humor. Sila-sila lang ang nakaka-intindi. Patwa nila, sila-sila lang ang tumatawa. Subukan nyong tagalugin ang mga jokes nila. Ang kalalabasan. Mababaw. Korni.

Pero may ilan-ilan din naman ang nakaka-relate ako sa mga patawa nila. Gaya nila David Letterman, Jay Leno at Conan O'Brien.

Kung tutuusin talaga, mahuhusay mag-stand-up comedy ang mga kano kumpara sa mga pilipinong baklang nagpaptawa sa entablado. Hindi ko pa nasusubukang pumunta sa mga pinoy comedy bars pero may nakapagsabi sakin na ang mga elemento daw ng pagpapatawa ng mga local gay stand-up comedian ay:
  • Kabastusan
  • Panglalait
  • Gay
Hindi ako ang nagsabi nyan! Pero tingin ko, nakakasawa ang mga ganon.

Kailan lang ay napanood ko sa JackTV ang Comedy Central Presents at ang comedian noon ay si Pablo Francisco. Unang beses ko lang manonood ng isang stand-up comedy sa isang stand-up comedy show. Sinubukan ko lang at baka nga naman nakakatawa talaga at hindi nga ako nagkamali.

May ilang parte ang natawa ako, may ilan din namang parte ang napa-"no reaction" ako. At may ilang parte ding ang sarap ulit-ulitin dahil namamatay na ako sa kakatawa.

  • Techno Club Music
  • Body Piercings
  • Boybands
  • Spanish Soaps
  • Psychos
  • Hooters
  • Strange "Preview" Voice
  • Little Tortilia Boy

Yan ay ilan lang sa mga bagay na kinuwento nya. Gusto ko rin yung mga ginagawa nyang sound effects. Pero tingin ko, dapat panuorin nyo na lang (buti nakahanap ako sa YouTube para mai-share sa inyo)... at kayo na mismo ang mag rate kung nakakatawa o hindi. Happy viewing!

Comedy Central Presents: Pablo Francisco

Ano? natawa ba kayo?
-end-

Thursday, July 13, 2006

I'm with Marieton Pacheco

Kasama Ko sa Isang Aircon Bus si Marieton Pacheco


Kasama ko sa isang aircon bus si Marieton Pacheco. Papunta kami sa Novaliches, dadalaw sa kanyang mga magulang na nagbayad ng kanyang apat na taon sa unibersidad para makapagtapos ng MassComm. Sabado ng hapon at mataas na ang araw sa labas ng bintana, yung tipo ng araw na nagyayaya sa mga balbas-saradong Pari ng Kalsada na umakyat ng bus at ipagkalat ang Salita ng Diyos.

Nakaparada kami kung saan dating nakatayo ang People's Park. Hawak ni Marieton ang aking kamay, at hawak ko naman ang sa kanya. Hawak niya ang kamay ko na parang nakababatang kapatid ko siya, at pareho kaming naglalakad sa loob ng isang haunted house sa Star City. Pinag-iisipan ko na kilitiin ang kanyang palad nang tanungin niya ako tungkol sa tatay ko.

"Close ba kayong dalawa?" Hinintay niya ang sagot ko nang nakangiti.

"Hindi naman kami nangingisada kada-Sabado, o kung ano man. Kilala niya kung sino'ng bagong girlfriend ko, at paminsan-minsan ay tinatawagan niya ako. Pero hanggang dun lang," sagot ko sa kanya. Kalahati dun di totoo. Dati'y sabay kaming nangingisda ng tatay ko tuwing Sabado,
sa tabi ng isang lawa sa Novaliches na may baybaying dati-rati'y dinadaan-daanan niya habang nakamotorsiklo nung bata pa siya't nagrerebelde. Maraming carpa at hito noon sa lawa, pero di puwedeng kainin. Inilalagay namin yung mga huli namin sa isang timba ng tubig mula sa lawa at pagkagat ng dilim ay dali-dali naman naming ibinabalik. Nag-umpisa kami manghuli nung limang taon pa lang ako at tumigil lang kami nang nahirapan na kaming pumunta sa lawa - kung ano mang mga palusot ang ibinibigay niya. Biro ko nga, dati kapag pasko sa bahay naming, ay kung paano naging malapit ang tatay ko sa anim na henerasyon ng isda sa lawa na yun.

"Anung hitsura niya? Magkamukha ba kayo?" Kinakalikot ni Marieton ang balbas ko. "Hindi, hindi kami magkamukha," ang sagot ko sa kanya. Matawa-tawa siya sa sagot ko, pagkatapos ay bumalik siya sa pagkalikot ng balbas ko. "May balbas ba siya?"

Kinalikot ko ang makinis at kalbong baba ni Marieton, at pinag-isipan kung ano pang parte ng kanyang katawan ang di tinutubuan ng buhok. Ikinuwento ko sa kanya kung paano nagkuwento ang tatay ko tungkol sa mga babae at ang kanilang pagmamahal sa mga balbas-saradong lalake.
Napapag-isip kasi sila kung ano pang ibang parte ng katawan ng lalake ang tinutubuan ng buhok. "Pero siyempre, kuwento lang yun. Ako mismo, di naniniwala dun."

Tahimik na nakinig si Marieton sa kuwento ko. Dumungaw siya sa bintana, pataas sa de-lobong Champola sa ibabaw ng gusali sa tapat ng lugar kung saan dati'y nakatayo ang People's Park. Tila naubusan na ito ng lasa, dalawang taon na ang nakaraan.

Tumango si Marieton, tila sinasabing "Okey yun, okey yun." Lumingon siya ulit sa akin, humigpit ang hawak sa kamay ko habang kami'y nagtitigan. "Wala akong problema kung gusto mong magpatubo ng balbas, kung ano man ang rason mo. Pero puwede bang pangakuan mo akong... di ka magpapatubo ng bigote?"

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, tinitigan siya sabay nangako na mananatiling kalbo ang nguso ko habambuhay.

"Di rin naman ako ganun kagaling magpatubo ng bigote e," dagdag ko.

"Salamat at hindi mo ako tinanong kung bakit. Salamat sa pag-intindi," ang sabi ni Marieton sa akin. Hinalikan ko siya't niyakap at pahabol na sinabing "Kahit ano, Marieton, basta ikaw."


Ngumiti si Marieton, sabay yakap sa akin. Nagpaulan ng halik sa ngusong ginawa sana para tubuan ng bigote na ngayon, tutubo rito ay Pag-Ibig.

-Adam David

Note:

1. Marieton Pacheco is a TV-news reporter for ABS-CBN Channel Two and its sister companies. She started out as a news correspondent, but then gained a wider audience during the "Jose Velarde is Joseph Estrada" trial where she was "Christine-On-The-Scene", her finger on the pulse, covering most of the trial proceedings for the ABS-CBN News Channel.

2. Nagba-browse ako sa net nang may nakita akong isang short story about Marieton Pacheco. She's so cute. hehe.

3. This FICTIONAL short story was created by Adam David.

4.
Si Adam David ay kasalukuyang nasa ilalim ng programang BA Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Sa ilalim ng programang ito, binabalanse niya ang pagsusulat ng mga kuwento sa Ingles at Filipino, na sa ngayon ay nagagawa pa naman niya nang matagumpay. Rumaraket din siya sa mga proyektong nakasentro sa comics. Ang kuwentong 'Kasama ko sa Isang Aircon Bus si Marieton Pacheco' ay bahagi ng koleksyon ng mga maikling maikling maikling kuwentong ilulunsad ng UP Ugnayan ng Manunulat sa huling linggo ng Agosto, ang 'Lamon.'

-end-

Wednesday, July 12, 2006

iBANG! item no.001

e·mer·gen·cy ( P ) (ee-m»rjn-see)n. pl. e·mer·gen·cies
1. A serious situation or occurrence that happens unexpectedly and demands immediate action.

Lagi akong nagbabasa ng Bulletin sa school namin para ma-update sa mga mang-yayari. Habang nag-iiscan ako, may napansin akong kaka-ibang reminder at parang may mali. Dali-daling kinuha ang camera phone at click...


BANG #0001


Kayo na bahala mag hanap kung ano ang mali. Kung sa inyo okay naman ang nakasulat, para sakin, mali pa rin.

Hindi 'to joke at lalong hindi ko 'to gawa-gawa lang. This is for real. Trust me!

-end-

Tuesday, July 11, 2006

Fatal Fame sa UP BnA

Biyernes. July, 7 2006. Unang ng praktis namin sa taong 2006 sa EarthQuake Band Studio. Super reformat and refresh ang ginawa namin sa banda. May mga nawala at bumalik. May mga na late at may nahuli ng cowboy. Mejo nag-iba o mag-iiba na rin ang tunog namin (pero hindi aalis sa genre na Punk Rock.) ngayon dahil wala lang.

Isang oras lang ang nakain namin. Mejo maikli pero wala kaming magagawa dahil may lakad pa ang aming kabandang si Emerson. May gig ang isa nyang banda na The Morning Glory sa U.P. Diliman, Bahay ng Alumni, para sa isang concert para sa mga Freshmen ng U.P. Diliman. Nagdadalawang isip ako kung sasama ako para manuod. Matinding paguusap ang aming ginawa. Pamasahe, daan, shortcut, taga, tricycle at pa-uwi. Yan ay ilan lamang sa mga salitang maririnig mo sa aming pinag-uusapan.

Nakapagdesisyon na kami at kaming dalawa ni Hubert ang sasama. Si Tejal, Eiji & Hazel ay hindi sasama. Pati rin ung dalawang nagpunta na sina Queenie at Joanne ay hindi sumama, pero salamat sa panunuod ng praktis namin.

Sumakay kami ng FX ni Hubert at Emerson sa Marcos Highway hanggang Katipunan at sumakay ng Jeep papuntang U.P. Diliman. Mabuti na lang at hindi kami nag taxi nung mga oras na yon dahil traffic ampfoocha. Akala namin gagabihin kami pero ayus lang. Maliwanag pa pagdating. Ampness, andaming tao sa labas. Halo-halo. May mga Poser at mga Pa-tweetums na students. May mga Bollocs at mga naka-uniform ng black shirt. (Buti na lang black din suot naming tatlo) Nakita namin ung dalawang kabanda ni Emerson sa Labas at Sumabay na kami sa pagpasok.

P.A. at Photographer ang pepel namin ni Hubert doon kaya "NALIBRE" na kami sa pagpasok. BUWAHAHA. Syang kina Tejal at Eiji & Hazel, nakalibre sana kayo.

Tatlong beses ko nang napasok sa Bahay ng Alumni pero ngayun ko lang nalibot ang kabuuhan nito. Mula 1st Floor hanggang 2nd Floor. Papuntang 3rd floor kung saan nandun yung Stained Glass ng BnA.

Nagseset-up pa lang ng stage ang mga staff nung pumasok kami. Pumunta na kami sa room kung saan naghihitay ang mga tutugtog na banda. Habang naglalakad, madami kaming nakikitang mukha na malilinis at kaaya-ayang tignan at pagpasok namin, may ilan-ilang mga banda na rin ang nandun. Ayus, parang V.I.P. room ang dating, hehe. Band's Lounge.

Nakakaboring sa loob kaya nag liwaliw muna kami. Picture taking to the max. Nang magsawa, bumalik na kami.

Magsisimula na ang palabas at ang unang bandang tutugtog ay ang banda ni Emerson, ang The Morning Glory, Buena Mano. Sinubukan kong umakayat sa stage at kuhanan kung gaano karami ang tao. Grabe, yun na siguro ang pinakamaraming crowd na nakita ko sa loob ng BnA. Napansin ko rin na masmarami ang mga nanunuod ng babae kaysa sa lalaki. Very organized ang nasabing event. Walang masyadong pinapasok na bollocs sa loob, which is a good thing. Para wala gaanong nawawalan ng cellphone. tugugsh...


Labas ng BnA, konti pa lang yan


Audience Entrance


'Waiting for Morning Glory


Bilangin mo


Mga Bouncer-Bounceran


Pang-alis kaba ^^


I'm w/ the next Barbie


A Brokeback moment


Sakalin si josephine!


i-pod shuffle o pulley ng blinds?


"Tensyonado" na si Jo


Feed the crocs w/ maya bird


Armi, Pader yan!


Josephine, Kevin, Lougee & Me


Hubert w/ his brother, Jo and Kevs


"ngingiti ka ah!", "opo"


Mag-ina: Josephine and Armi


3/4 of River Maya w/ us


1/4 of Rivermaya, si Champ


Naiwan na sila ng Jeepney


Panic si Emerson. Kev w/ Carlos


Ba't sila nakaganyan?


Jo, ba't kinunan mo pa 'to?


Josephine and Pol Yap


Since nasa 2nd floor at kasama sa mga ibang banda, bakit hindi kami magpakuha. Hindi ko kagustuhan yon, pero, sige na nga.

Pero eto ang PINAKAMALUPIT na kuha sa lahat...


Akbay lang Iwa, akbay lang! ^_^


Me, Aileen, Kano & Hubs

Di ko alam kung anong ginagawa ni Aileen Iwamoto dun sa venue, pero siguro/malamang nanunuod.

Sayang nga lan dahil hindi namin tinapos ang nasabing concert. Andami namin tuloy hindi nakasamang banda. Hindi rin kami nakapagpapicture sa mga wala pa.

And so this is the actual line-up...


Part 1


Part 2


Ang hindi namin naabutang tumugtog na banda ay ang Sugarfree, Pupil, Kjwan, Dicta License, ChicoSci, Callalilly, Mojofly, Sandwich, Spongecola, Imago, Pedicab, Barbie Almalbis, Moonstar 88 at Kamikazee. Sayang pero WHAT THE HECK!? gabi na nun... at la ako pake sa ibang banda. konti lang. hihi. Mga 11:++ kami umuwi, mga 3:++ am natapos ang concert.

Sa mga hindi sumama dahil sa maling desisyon, may next time pa naman. July 28, 2006.

Para kay Chelo na nasa California ngayun, kumusta ka naman after mong mabasa 'to? wahihi. sayang... tsktsk... di bale... lapit na! buwahhahah!!! ^__^ for the mean time, mainggit ka muna! BWUAHAHAHAHA q('.'q) suntukan!? ^_^

-end-

Sunday, July 9, 2006

Chapter I: A Widely Opened Gate

... cont'd
Inubos namin ang isang oras sa paglalaro. Umuwi na kami at nagkukwentuhan tungkol dun sa isang maputing anghel na chinita doon sa shop. "Ok ba ung babae?" sabi niJamie. "Maputi lang eh!" hirit naman ni Angelo. Ako naman "Maganda naman ah." Na parang wala lang at hindi pinahahalata na tinamaan ako.

Lumipas na ang pasko, new year, ano paman. Nasa trabaho ako. I’m a current staff of Weblink noon. Gabi na nang biglang dumating si Angelo. "Uy tulungan mo ako, iinstall natin ung Battle Realms dun sa Shop". "saang shop?" tanong ko. "dun sa "The Street" sagot ni Angelo. "Ah, buhay pa pala yun?". "Oo kaya tara na". "ok sige sara ko lang to". And then pumunta na nga kami. Pagdating namin, "Ay Kuya Jong, Si Benjie" pinakilala ako dun sa may ari.. At yon, pina-install nga ang dapat i-install, at ang dapat i-ayos. Habang gumagawa ako, iniinterbyu naman ako nung asawa ni Kuya Jong, si Tita Marie. Kilala ko sya dahil kakilala din sya ng Mommy ko. After a minutes, lumabas yung anak nilang si Stacy. Tinanong ako "Bakit nyo po gigawa yan, para saan po yan?" na para bang batang matanong na nagtatanong sa isang matandang karpintero. Ako naman nahihiyang isinagot ang "Ah, eh… para maayos yung desktop. Ino-organize ko yug mga icon" gumagawa kasi ako ng Toolbar noong mga oras nay un. "Ah ok" sagot naman nya.

At doon na nag-umpisa ang lagi naming pag punta doon. Nagging welcome na kami sa pamilya. Kami ang taga maintain ng mga computer doon kaya libre na kaming tatlo. Tumutulong din kasi si Jamie doon. Sya yung taga-kumpuni ng Hardware at networking. Ako naman sa Software at si Angelo, ano nga bang papel ni angelo doon? Alam ko, taga sabi lang sya ng mga kung anong nakita nya sa iba. So in short, taga-update? Ewan?! Doon din namin nakilala and kapatid ni Stacy na si Kieth, at si Peewee. At nalaman ko na rin ang pangalan ng isang maputing anghel na chinita. Siya pala si Mikhaela. Nalaman ko rin sa sa Tatay pala ni mikhaela ang mga Computer na ginagamit dun sa shop. Doon rin naming nakilala ang magkakaibigang Julian, Kuya James, at Martin. Pati narin si Panny na bestfriend ni Stacy. At iyon, doon na nabuo ang tropang tinawag nilang "Quack". After a few days, naguusap kaming tatlong orig. na friends along with some old friends, Borgy & Jay-Pee. We were talking about chicks. Sumasarap ang kwentuhan. "Ligawan mo na kasi si Mikhaela" sabi ni Jamie. "Oo nga, unahan ka na namin" hirit ni Angelo. "Basta kami maybinabalak ni Jamie, ‘no Jamie?" pahabol ni Angelo. "oo nga"

Well ako naman si pakipot pang parang walang binabalak. Ayaw ko malaman nila baka gumuho ang "Uno Stacko", you know!? ^_^


End of Chapter 1