Current mood: Listenting to: How I Do by YellowcardFriday, mga 11:00am, naghanda ng sarili at nagbihis. May pupuntahan kasi ako sa Panay Avenue. Ike-claim ko ung pirze ko sa office ng MAXIM magazine sa Lourdes Condominium. Napilikasi nila ung sinubmit ko na entry for one of their features (check the September 2006 issue of MAXIM Philippines, p.27, lower-left, nandun name ko). Mejo, hindi ko alam yung place. Hindi ko alam yung sasakyan pag dating ng MRT Quezon Ave. station. So, nilakad ko na lang at tumingin-tingin kung saan ung nasabing condominium. Sa pagkahaba-haba ng Panay Ave., Natunton ko rin ung place and na-claim na ung prize.
Bumaba ako ng Cubao after kong ma-claim ung prize. Kelangan ko nang kumain dahil hindi ako nag almusal nung araw na yon. Mga 2:30 na nung naisipan ng tiyan ko na kelangan na nya ng laman.
Hindi ako gaanong nagpakabusog dahil mahahalata ang laki ng tiyan ko. Kelangan din ng diyeta, hehe, kaya umalis na ako at nag window shopping sa SM. Lakad nanaman, hindi pa nakakaramdam ng pagod ang mga paa ko pero ako, sumasakit na ang puso. Matagal-tagal din ang pagliliwaliw ko, nangbiglang may naisip akong bilhin. Kelangan ko magpunta sa Gilmore para bumili ng USB Light para sa PC ko. Sakto lang ang dala kong pera noon kaya na-isipan kong mag withdraw sa bangkong malapit sa Ali Mall. Dun lang kasi ung alam kong branch sa Cubao. Sinalpak ko ang card⦠pindot⦠kuha pera⦠kuha ng card.
Nagmamadali akong naglakad dahil mejo umaambon. Sa gilid na ako ng Ali Mall dumaan. Habang papalapit sa entrance, may nakita akong mga taong naguumpukan. May mga pulis at guard. Lumapit ako at naki-osyoso. Tinanong ko sa isa sa mga nakikiosyoso din kung anung kaguluhan âto.
Ako: Boss, anung meron?
Semi-kalbo: Darating si Batista.
Ako: Ah okay.
Ako: aah talaga? Ayus ah⦠(hindi makapaniwala at nagmamadaling kinuha ang digicam sa bag at nilagyan ang battery.)
-oOo-
Hindi ko maintindihan kung dadalhin ko o iiwan ang digicam. Una, pambigat lang sa bag ko. Pangalawa, san ko naman gagamitin un? Pangatlo, aaah, what the hell, sige na nga, dadalhin ko na. Hindi ko alam kung bakit ko talaga dinala yun. Hindi ko talaga alam. Hind talaga. Hindi. H. . ..
-oOo-
"no permit, no rally"
| Uzi din pala
|
"Crowd"
| ILABAS ANG CELLPHONES!
|
"Gateway"
Sobrang init. Ang dami-daming tao. Dikit-dikit. Nagaantay ng oras kung anung petsa ba talaga darating si Batista. Halos 30 minutos kaming nag-antay. Wala pa ring dumadating. Natatawa na lang ako sa mga bantat ng ibang tao.
Babae: Manong, nasan na ba si Batista? Anung oras sya makakadating?
Manong pulis: Nasa Guadalupe na. Malapit na yun.
Babae: Baka na traffic un. Kaines ah! Dapat nag MRT na lang si Batista.
--
Babae (oo, sâya ulit. katabi ko lang at sya lang ang matining ang boses na tanong nang tanong): Sâya ba ung magsasabit ng Sampaguita sa sa leeg ni Batista?
Jowa ng babae: Oo yata.
Babae: Yuck! Sobra naman. Dapat nag hanap sila ng maganda-ganda naman.
--
May dumaang tinted glass na multi-cab.
Seryosong Estudyante: Yan na yata si Batista!
Seryosong Klasmeyt: Oo nga! Yehey!
Namumutaktak ang pawis sa noo ko. Maya-maya, lumaki ang kumusyon. Najan na si Pareng David Michael Bautista. Gumugulo na ang mga tao. Hinanda ko na ang digicam at nakakuha. Wala lang, parang wala namang nangyari. Pagkakuha ko sa kanya ng walang kwentang angulo, tapos na. Mas matagal pa yung inantay namin. Pero mahigit 2 oras din ang naubos dahil sa Batista moment. Sinundan pa namin sya sa Gateway para lang makakuha ng magandang angulo. Pero, ang gulo talaga ng mga kuha ko.
"sneaky huh?"
"am i that drunk?"
Madilim na at hindi na ako nakapunta sa Gilmore. Next time na lang. Pumunta na ako sa labas ng Gateway at naghintay ng mega taxi. Nagantay ako ng matagal pero laging puno. Naisipan kong umalis sa pwesto at pumunta sa pila ng mega taxi via SSS at dun na nagkanda-leche-leche ang gabi ko.
Me and my twisted mind:
Galing sa Gateway, pumunta sa pila ng mega taxi. Sobrang tagal dumating ng sasakyan at mahaba ang pila. Naisipan pumunta sa Ali Mall apara dun sumakay. Dumaan ng Farmers Plaza, SM at Ali Mall. Pagkalabas sa Ali Mall, naghintay ng mega taxi. 15 mins⦠May FX akong natanaw at nilapitan ko. Sa sobrang despirado, sumakay ako sa FX na biyaheng Sta. Lucia/Masinag. Nung konti na lang ang tao, tinanong ko sa driver:
Ako (gulo ang pag-iisip): Manong, pwedeng SSS na lang kayo?
Driver: Ay, hindi ako bumabyahe dun eh. Isa pa, wala akong sign board ng SSS.
Ako (nagiisip): May pentel pen ako, gawa tayo.
Ako: Alanganin kasi kung sa Sta. Lucia ako bababa eh.
Driver: Mapapamahal ka ng pamasahe.
Ako: Oo nga eh.
Driver: Pwede ka namang lumipat. Ibababa na lang kita sa harap ng Gateway, may mga SSS dun. Hindi naman kita sisingilin eh.
Ako (sarcastic): Ah, sige, okay! Salamat manong!!!
Hindi ko lubos maisip kung anong kagaguhan ang nagawa ko. Nalibot ko yata ang buong Araneta Center nung araw na yon.
Pagbabako sa harap ng Gateway, sobrang dami ng tao na gustong makasakay. Para para kaming nasa airport na naghihintay ng mga darating na kamag-anak. Napaparap ang paghihintay ko at ginagawa na lang pampalipas oras ang paghihintay. Tuwang-tuwa ako pag may nakikita akong naguunahan sa pagkuha ng sasakyan. Pero batid ko na ang sakit ng mga paa ko. Pagod na rin ako at kelangan na magpahinga. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Grabe, hindi man lang nagparamdam, bira kaagad!
Lalong nabawasan ang chance na makasakay ako. Basa na ang iba, pa na rin ako. Kailangan ko nang kumilos at magseryoso. Nakakita ako ng FX at tumakbo ako paaplapit. Bakante sa paborito kong lugar, sa unahan, tuwang-tuwa akong tumatakbo, nangbiglang may nagbukas ng pinto at may umupong dalawang tao. WAAAH!!! Pero tumuloy pa rin ako dahil baka may bakante sa gitna. Tinanawa-tanaw ko at wala nang lugar. Teka, meron pa sa⦠WAAAH! LIKOD! Ang pinaka-ayaw kong lugar sa isang mega taxi. Mahiluhin kasi ako at hindi ko gusto ang nasalikod. Pero wala akong magawa at kailangan ko nang makasakay dahil hirap na ako.
Ayos, malapit na ako bumaba. Nagaakalang safe na ako sa nung mga oras na yun, pero, baha sa steet namin. WAAH! Kaya kinakailangan kong tanggalin ang sapatos ko at lusungin ang malamig na tubig baha. Can you imagine? Ilang oras kong pinanglakad ang paa ko na hindi makahinga sa sapatos ko at pagod na pagod, sabahy lusong sa baha. Kung ikaw ang paa ko, ano kaya ang sasabihin mo?
-end-