Tuesday, November 21, 2006

iBANG! item no.005

WANTED: Carnation Retaurant needs a WAITRESS. Baka pasok ka sa qualification, isa lang naman eh. Try mo!!!

6101_0025
BANG#005: Wow, i'm speechless.

Source: The Tonight Show with Jay Leno segment, Headlines.

-end-

Saturday, November 18, 2006

iBANG! item no.004

WHAT!!?

6101_0025
BANG#004: I think this Comfort Room is just for ladies. period!.. i mean 'dot'

Taken at EARTHQUAKE Band Rehersal Studio, Comfort Room.

-end-

Wednesday, October 25, 2006

Chapter IV: A Crow Calls

by Ivan Aguilar
Type: Fiction
Current Mood:
Listening to: Oxygen by New Found Glory

Summer time has come. Bakasyon na kaming lahat. At wala na kaming pasok. Este, sila lang pala ang wala ng pasok. Kasi ako September palang, libre na ako. Gabi-gabi, lagi kaming tumatambay sa shop. Kwentuhan, sharing of experiences, kanya-kanyang kutkutan ng chichiriya. Naalala ko pa noon, gabi na ng mga oras na yon at naghahanap kami ng tindahan pero wala kaming Makita. We decided to go to the nearest convenient store at nilakad naming yon. Ako, Mikhaela, Kuya James, Stacy, Julian, Angelo and Kieth ay nagbagtas sa pinakamalapit na store, yung 24 hrs. bukas. Sa’an pa nga ba? Sa 7-tiseven ‘di ba ang sabi ko pinakamalapit? Oo yun na yung pinakamalapit so far. You need to take a PUJ para makarating ka doon. Pero kami, nilakad lang naming magkakaibigan yung pupuntahan namin. Bakit? Wala lang, just to get some adventure maybe. O baka wala lang talagang gustong manlibre sa jeep. Makalipas ang ilang minutong pagbabagtas, nakarating na rin kami sa 7-tiseven. Ang dami naming biniling puro pagkaing pampataba. Si Kuya James ang laging nanlilibre sa’min non. Siya yung galanteng financer ng tropa. Dalawang pack ng Rebisto Chocolate chips, dalawang malaking bag ng Trompillios, Malalaking bag ng Chis Bols at MGA siopao, di ko alam kung ilan yun, pero yun yung natandaan kong binili namin. Ok na, babalik na kami sa hide-out. Pag-uwi, pagod na pagod kami na animoy galing Mojave desert. Pero para sa ‘kin, ok lang. nakasama ko naman si Mikhaela sa paglalakad eh. pagkapahinga, gumawa ng coleslaw si Tita Marie para sa trompillios. Nagtimpla naman si Mikhaela ng Pomelo Juice dahil yun ang uso noon. Masarap pala magtimpla si Mikhaela ng Pomelo juice, tamang-tama lang ang tamis at asim. Ayos chibugan na! habang chumichbog na kami ng trompillios na may coleslaw, nangangarap ang tropa na mag outing. Nang biglang sabi ni Tita Marie na pupunta daw ung family nila kasama ang ibang relative patungo sa Baras, Rizal. Overnight daw, “Uy ayos yun ah!”sabi ko sa sarili ko. Tuwang-tuwa kaming lahat noon at umagree na sasama kaming magtotropa. Di ko na maalala kung kelan ang eksaktong date ng outing. Kaya isang umaga, kagigising ko palang at parang monster pa ang boses ko. Nagring ko ang telepono, “TINUNINININI!!!!” si mommy ang nakasagot at tinawag ako… “Benjie!!! Telepono”. Huh para sa akin? “ano ba ‘yan, pagkaaga-aga!”. Sabay kuha sa handset “hello?”. “uy Benjie? Maghanda ka na raw kasi aalis na papuntang Baras” sabi ng isang maliit na tinig mula sa handset. Di ko na naitanong kung sino yun pero parang boses ni Stacy. “huh? Ngayun na? kelan ba aalis?” tanong ko na medjo inaantok at natataranta. “ngayon na bilisan mo aalis na!” sagot ng isang maliit na tinig mula sa handset. “Ok sige bye!” sabay baba ng telepono at dali-daling umakyat para maghanda ng mga dadalhin. “ok! Ayos makakasabay ko si Mikhaela sa mahaba-habang biyahe! Another chance!” Pagkabihis, dinaanan ko si Angelo sa kanila at pumunta na kami sa hide-out este sa shop. “Oh angtagal nyo, nandun na yung tatlo” Wika ni Tita Marie na animoy busying- busy sa ginagawa. “Huh? Nye! Pano yun” tanong ko sa sarili ko sabay tingin kay Angelo. Biglang nagsalita si Tita “Pero sa amin kayo sasabay, dito sa pick-up”. Hay! Nabuhay kami ng loob pero sabi ko sa sariIi ko”di ko sya makakasabay! Huhuhu!”. Pumasok muna kami sandali sa shop habang naghahanda ang magasawa at si Peewee. “Uy nanjan pala kayo!” sigaw ko kina Kuya James at Julian. “Oh handa na ba kayo?” tanong ko. Sumagot naman si Kuya James “hindi ako makakasama eh, may gagawing pa akong project ipapasa ko”. Pero hindi nag tagal, napilit din namin si Kuya James at umuwi muna para kumuha ng gamit. Itong si Julian naman, talagang hindi namin mapilit. Ayaw talagang sumama. Dun lang daw sya magpapaka-adik at magbabantay ng shop.

Lumarga na ang pick-up na sinasakyan naming anim. Si Kuya Jong, ang nagdadrive, Tita Marie at Peewee, sa loob sila ng pick-up. Kaming tatlo naman nina Angelo at Kuya James, sa likod. Para kaming mga manok na binubugahaw ng usok ng mga sasakyan at para naman kaming mga itlog na pinaiinitan para gawing balot sa init ng sikat ng araw dahil wala bubong yung pick-up. Pagdating sa destinasyon, para knaming mga amerasian sa itsura namin, madudumi ang mukha at habang nag-eenjoy na ang magpipinsan sa swimming pool. Para kaming nasakluban ng cylindrical plastic tube sa nakita namin. Puro kasi sila magkakamag-anak at kami lang ang parang nadiscriminate. Pero sandali lang yun at natanggal agad ang cylindrical plastic tube na naka saklob sa aming tatlo dahil pinakilala naman kami sa ibang pang relatives at matapos nun, naghanda na kami para maligo sa pool. “Yehey!”.

Kinagabihan, nagbabalak ng inuman ang mga magpipinsan. First time kong sasabak sa inuman. Ginpomelo o Ginpom ang titirahin. Ok lang dahil inakala kong lasang juice parin naman. At tama ako lasang juice pero tinamaan din ako ng konti. Habang nagiinuman sa tabi ng pool, patagay-tagay. Kasama namin si Mikhaela noon ang humingi ng tagay. Binigyan naman sya pero di pa nakuntento, pinuno nya yung baso at sabay tungga. Wow bottoms-up! Nagulat ako sa mga pangyayari. Maya-maya, unti-unting nagbago ang mga kinikilos ni Mikhaela. Nagiging wild! Nagbreak kami at nag swimming muna. Habang nagbobonding sa loob ng pool, bigla akong sinampal ni Mikhaela ng walang dahilan. Wala lang, gawa ng kalasingan. At balik na sa inuman. Sabi ko “tama na yan Mikhaela, lasing ka na ah” concerned na pagkasabi ko sa kanya. Sabay banat na “hinde, anong lashing?! Di pa ako lashing ‘no! shige lasht na lang” di pa nga sya lasing pero ung pagkasbi nya parang batang gusto pang uminom ng Kool-Aid. Natapos na kaming mag-inuman. Habang naglalakad ako, para akong dumadaan sa isang hanging bridge na ani mo’y mapuputol na ang tali. Inaalalayan ko si Mikhaela ng biglang “Huwag mo kong hawakan! Kaya ko to oh!” pasigaw nyang pagkasabi saakin. Medyo napahiya at nasaktan ako nung pagsabi nyang iyon. Pero ok lang, dahil alam kong lasing sya noon. Nasa kwarto na kaming mga lalaki nun. Kung ano-anong pinag-gagawa namin nung gabing iyon Ginawa nila saakin yung nahihimatay na mapupunta ka raw sa ibang plane. Ayos nung sinubkan ko yon, para lang akong nakakita ng nakazoom-in na carbon paper at paggising ko parang umaga na. pero bat sila nagtatawanan? Kakaiba daw ako nung mga oras na wala pa akong ulirat. Sinubukan naman namin yun kay Kuya James. Paggising nya, kinuwento sa’min kung san sya nakarating. Kabilib-bilib naman yung mga pinagsasabi nya. Nakakatagos daw sya ng dingding at nakita nya ang mga tao sa kabilang kwarto. Sa kwarto ng mga babae! Kabisado nya ang mga pwesto at lugar ng mga kama. Mangha ako sa pinagsasabi nya. Sana nga yun lang ang nakita nya sa kwarto ng mga babae. Ilang oras ang nakalipas, nabalitaan naming sumuka daw si Mikhaela dala ng amats. Para daw syang tumatawag ng uwak. Tawa kami ng tawang mga boys pero labis ang aking pagaalala kay Mikhaela. Dahil first time din nyang uminom at first time din nyang malasing noon. Kinabukasan, syempre, kumain kami at kinwentuhan namin ang mga girls ng mga pinaggagawa namin. At kinagabihan nagghost hunting-huntingan kami. Di ako naniniwala sa ghost pero sinakyan ko nalang sila. Sama-sama kami noon. Mikhaela, Angelo, Stacy, Kieth, Kuya James, Kuya Jong at iba pa. Maya-maya, nagsplit ang grupo. Di ko na maalala ang mga kasama ko pero ang alam ko magkakasama sila Angelo, Mikhaela, Stacy, Kuya James at iba pa. After that, pumunta na ang lahat sa meeting place. Kinwento samin ang mga nakita nila. May nakita daw silang Tikbalang, WOW tikbalang! Ahehehe… grabe daw ang takot nila. Kaya napahawak daw si Mikhaela kay Angelo. Simula na ang welga pero binaliwala ko yon. Tuluy-tuloy ang kasiyahan, tuloy-tuloy din ang palakasan at ang welga. Tatlong araw ang tinagal namin doon. After that, sobrang saya namin sa pag-uwi. At pagdating naming sa hide-out, Nagpabili si Galanteng Kuya James ng Dalawang tig-kakalahating galon na icecream. Solb!


-end-

Tuesday, October 24, 2006

iBANG! item no.003

Ganito na ba ka-indemand ang baso? O Ganito na ba kahina ang patola?

6101_0025
6101_0025
BANG#003: Patola Shake Kit?

Taken at Save More Supermarket, SM Mega Mall.

-end-

Sunday, September 17, 2006

Eight of Nine

"You take for granted what you have and you can't take it with you when you die. There is never enough and you will always want more. No matter how much you learn, no matter how much you earn, you are still yourself and exactly as close to the edge as where you began. and all you can ever learn is what you already know. You will always want to know what the ending is, but you can't because you're dead. Dear god, I'm on my knees before you. The words are on their knees. Ready to go. all the words. all the words. The ending is words."

-Richard Hell
"Go Now"

Saturday, September 9, 2006

twISted unleashed

Current mood:
Listenting to: How I Do by Yellowcard

Friday, mga 11:00am, naghanda ng sarili at nagbihis. May pupuntahan kasi ako sa Panay Avenue. Ike-claim ko ung pirze ko sa office ng MAXIM magazine sa Lourdes Condominium. Napilikasi nila ung sinubmit ko na entry for one of their features (check the September 2006 issue of MAXIM Philippines, p.27, lower-left, nandun name ko). Mejo, hindi ko alam yung place. Hindi ko alam yung sasakyan pag dating ng MRT Quezon Ave. station. So, nilakad ko na lang at tumingin-tingin kung saan ung nasabing condominium. Sa pagkahaba-haba ng Panay Ave., Natunton ko rin ung place and na-claim na ung prize.

Bumaba ako ng Cubao after kong ma-claim ung prize. Kelangan ko nang kumain dahil hindi ako nag almusal nung araw na yon. Mga 2:30 na nung naisipan ng tiyan ko na kelangan na nya ng laman.

Hindi ako gaanong nagpakabusog dahil mahahalata ang laki ng tiyan ko. Kelangan din ng diyeta, hehe, kaya umalis na ako at nag window shopping sa SM. Lakad nanaman, hindi pa nakakaramdam ng pagod ang mga paa ko pero ako, sumasakit na ang puso. Matagal-tagal din ang pagliliwaliw ko, nangbiglang may naisip akong bilhin. Kelangan ko magpunta sa Gilmore para bumili ng USB Light para sa PC ko. Sakto lang ang dala kong pera noon kaya na-isipan kong mag withdraw sa bangkong malapit sa Ali Mall. Dun lang kasi ung alam kong branch sa Cubao. Sinalpak ko ang card… pindot… kuha pera… kuha ng card.

Nagmamadali akong naglakad dahil mejo umaambon. Sa gilid na ako ng Ali Mall dumaan. Habang papalapit sa entrance, may nakita akong mga taong naguumpukan. May mga pulis at guard. Lumapit ako at naki-osyoso. Tinanong ko sa isa sa mga nakikiosyoso din kung anung kaguluhan ‘to.

Ako: Boss, anung meron?
Semi-kalbo: Darating si Batista.
Ako: Ah okay.
Ako: aah talaga? Ayus ah… (hindi makapaniwala at nagmamadaling kinuha ang digicam sa bag at nilagyan ang battery.)

-oOo-

Hindi ko maintindihan kung dadalhin ko o iiwan ang digicam. Una, pambigat lang sa bag ko. Pangalawa, san ko naman gagamitin un? Pangatlo, aaah, what the hell, sige na nga, dadalhin ko na. Hindi ko alam kung bakit ko talaga dinala yun. Hindi ko talaga alam. Hind talaga. Hindi. H. . ..

-oOo-



"no permit, no rally"


Uzi din pala


"Crowd"


ILABAS ANG CELLPHONES!


"Gateway"



Sobrang init. Ang dami-daming tao. Dikit-dikit. Nagaantay ng oras kung anung petsa ba talaga darating si Batista. Halos 30 minutos kaming nag-antay. Wala pa ring dumadating. Natatawa na lang ako sa mga bantat ng ibang tao.

Babae: Manong, nasan na ba si Batista? Anung oras sya makakadating?
Manong pulis: Nasa Guadalupe na. Malapit na yun.
Babae: Baka na traffic un. Kaines ah! Dapat nag MRT na lang si Batista.
--

Babae (oo, s’ya ulit. katabi ko lang at sya lang ang matining ang boses na tanong nang tanong): S’ya ba ung magsasabit ng Sampaguita sa sa leeg ni Batista?
Jowa ng babae: Oo yata.
Babae: Yuck! Sobra naman. Dapat nag hanap sila ng maganda-ganda naman.
--

May dumaang tinted glass na multi-cab.
Seryosong Estudyante: Yan na yata si Batista!
Seryosong Klasmeyt: Oo nga! Yehey!

Namumutaktak ang pawis sa noo ko. Maya-maya, lumaki ang kumusyon. Najan na si Pareng David Michael Bautista. Gumugulo na ang mga tao. Hinanda ko na ang digicam at nakakuha. Wala lang, parang wala namang nangyari. Pagkakuha ko sa kanya ng walang kwentang angulo, tapos na. Mas matagal pa yung inantay namin. Pero mahigit 2 oras din ang naubos dahil sa Batista moment. Sinundan pa namin sya sa Gateway para lang makakuha ng magandang angulo. Pero, ang gulo talaga ng mga kuha ko.



"sneaky huh?"



"am i that drunk?"


Madilim na at hindi na ako nakapunta sa Gilmore. Next time na lang. Pumunta na ako sa labas ng Gateway at naghintay ng mega taxi. Nagantay ako ng matagal pero laging puno. Naisipan kong umalis sa pwesto at pumunta sa pila ng mega taxi via SSS at dun na nagkanda-leche-leche ang gabi ko.

Me and my twisted mind:

Galing sa Gateway, pumunta sa pila ng mega taxi. Sobrang tagal dumating ng sasakyan at mahaba ang pila. Naisipan pumunta sa Ali Mall apara dun sumakay. Dumaan ng Farmers Plaza, SM at Ali Mall. Pagkalabas sa Ali Mall, naghintay ng mega taxi. 15 mins… May FX akong natanaw at nilapitan ko. Sa sobrang despirado, sumakay ako sa FX na biyaheng Sta. Lucia/Masinag. Nung konti na lang ang tao, tinanong ko sa driver:

Ako (gulo ang pag-iisip): Manong, pwedeng SSS na lang kayo?
Driver: Ay, hindi ako bumabyahe dun eh. Isa pa, wala akong sign board ng SSS.
Ako (nagiisip): May pentel pen ako, gawa tayo.
Ako: Alanganin kasi kung sa Sta. Lucia ako bababa eh.
Driver: Mapapamahal ka ng pamasahe.
Ako: Oo nga eh.
Driver: Pwede ka namang lumipat. Ibababa na lang kita sa harap ng Gateway, may mga SSS dun. Hindi naman kita sisingilin eh.
Ako (sarcastic): Ah, sige, okay! Salamat manong!!!

Hindi ko lubos maisip kung anong kagaguhan ang nagawa ko. Nalibot ko yata ang buong Araneta Center nung araw na yon.

Pagbabako sa harap ng Gateway, sobrang dami ng tao na gustong makasakay. Para para kaming nasa airport na naghihintay ng mga darating na kamag-anak. Napaparap ang paghihintay ko at ginagawa na lang pampalipas oras ang paghihintay. Tuwang-tuwa ako pag may nakikita akong naguunahan sa pagkuha ng sasakyan. Pero batid ko na ang sakit ng mga paa ko. Pagod na rin ako at kelangan na magpahinga. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Grabe, hindi man lang nagparamdam, bira kaagad!

Lalong nabawasan ang chance na makasakay ako. Basa na ang iba, pa na rin ako. Kailangan ko nang kumilos at magseryoso. Nakakita ako ng FX at tumakbo ako paaplapit. Bakante sa paborito kong lugar, sa unahan, tuwang-tuwa akong tumatakbo, nangbiglang may nagbukas ng pinto at may umupong dalawang tao. WAAAH!!! Pero tumuloy pa rin ako dahil baka may bakante sa gitna. Tinanawa-tanaw ko at wala nang lugar. Teka, meron pa sa… WAAAH! LIKOD! Ang pinaka-ayaw kong lugar sa isang mega taxi. Mahiluhin kasi ako at hindi ko gusto ang nasalikod. Pero wala akong magawa at kailangan ko nang makasakay dahil hirap na ako.

Ayos, malapit na ako bumaba. Nagaakalang safe na ako sa nung mga oras na yun, pero, baha sa steet namin. WAAH! Kaya kinakailangan kong tanggalin ang sapatos ko at lusungin ang malamig na tubig baha. Can you imagine? Ilang oras kong pinanglakad ang paa ko na hindi makahinga sa sapatos ko at pagod na pagod, sabahy lusong sa baha. Kung ikaw ang paa ko, ano kaya ang sasabihin mo?

-end-

Friday, September 8, 2006