Wednesday, August 30, 2006

Chapter III: A Silent Ride

by Ivan Aguilar
Type: Fiction

Ilang araw na ang nakaraan after “The First Step”. Halos araw-araw na akong pumupunta sa shop. Umaga palang nandon na ako. I guess mga 9:00 A.M. palang naliligo na ako at pumuporma. Naglalagay ng katakot-takot na hair gel para mas presentable tingnan. 10:00 onwards, dumadating na ako doon. Ok lang sa akin yun. Wala naman akong pasok nun eh. Wala narin akong trabaho noon dahil sumuko na ako sa liit ng sweldo at tingin ko, naghihinala na ung may-ari kung bakit anliit ng kita ng Weblink nya “MUWAHEHEHE!!! Di ko rin alam? Bulok na kasi yung mga computer nya eh”.

Pumupunta ako sa shop para magbantay. Magbantay ng mga computer at bantayan si Mikhaela. Every 11:00, naghahanda na sya para pumuntang school. Naliligo, kumakain at presto, aalis na sya. Paminsan-misan, sumasabay ako para i-hatid sya. Pero minsan lang yon kasi madalas akong inaatake ng pagkatorpe kaya hanggang gate nalang ako. “Babay” nalang at “ingat” ang nasasabi ko. At minsan naman may umaatakeng Pugo sa may gate. Si Sandwich, ihahatid din daw si Mikhaela. Eh pareho sila ng school nun eh, baka kamo sasabay! Ako naman sa loob-loob ko, nagwewelga na ang mga ugat sa puso ko. Nagseselos ako?! nakakainis!

Isang araw nga, ihahatid ko nalang si Mikhaela nun. Kasama namin si Angelo at nasa kanto na kami ng “The Street” at nagaabang ng Jeep. Biglang nag-iba ang simoy ng hangin. Dumating si Pugo para sunduin si Mikhaela. “Ayun may jeep na!” sabi ni Mikhaela. Hindi naman siguro maganda kung aalis nalang kami at magwowalk-out sa nasabing contest. Ako ang nauna kaya kailangan ako ang maghatid. Sumakay na kaming apat sa jeep. Tinabihan ni Pugo si Mikhaela ako naman tinbihan si Angelo. Nagngingitian na lang kami ni Angelo. Habang bumibiyahe ang jeep, napag-isip-isip ko na sa lalakarin namin mamaya papuntang School ni Mikhaela, makakasabay ko si Pugo at makikita ko ang pagpasok nilang dalawa sa loob ng school, baka magwelga nanaman ang mga ugat sa puso ko. So, pagdating sa kanto ng B3 supermarket, nagpaalam na kami kay Mikhaela at sinabing “Uy dito na lang kami, pupunta pa kami sa Powerzone” sabi ko kay Mikhaela. Nagulat sya dahil akala nya sasama kami sa kanila. DI NA NO! kaya dinahilan nalang namin ang pagpunta sa Powerzone, isa ring Counter-strike gaming shop malapit sa Weblink. At natapos ang araw. Natalo ako sa Contest na ‘yon at sana nagwalk-out nalang ako kanina at dinahilang masakit ang tyan. Edi sana wala pa akong record na "TALO".

Minsan nakakachamba sa paghatid. Pero kadalasan, nauuwi sa walang kwentang araw ang paghahatid ko sa kanya. Dahil habang bumibyahe ang jeep na sinasakyan namin, lagi kaming tahimik. Siya, nakatalikod sa akin. Hindi kasi ako makapagsalita eh. Natotorpe na ako pagkasama ko sya. Yun ang isaang bagay ang hindi ko nagawa habang ako’y nanliligaw. Mali ako sa mga ginawa ko, dapat kinakausap ko sya habang bumibiyahe kami. Bawas puntos! Sayang! Hindi mo rin naman ako masisisisi dahil kung ikaw ang nasa kalagayan ko, na pagkinakabahan eh nag-iistutter ako o na-uutal magsalita. Ayaw ko namang mangyari na habang nagsasalita ako, eh mapansin nya… teka… hindi, talagang mapapansin nya na nauutal ako at nakakahiya yon. Baka tawanan nya ako at mauwi sa kahihiyan. Pero mali talaga.

-oOo-

Minsan pagnagpupunta ako sa kanila, pinapakain pa nila ako. Isang araw, pagpunta ko, niyaya ako ni Kuya Jong na doon na maglunch. Labis ang hiya ko at tanggi. Pinipilit ako ni Mikhaela at dahil malakas sya sa akin, sige, bakit hindi. Ayaw ko syang ma-disappoint. Sa labas na kami kumain, sa may garahe. Corned Beef ang ulam! Wow ayus ‘to. Pero ano ‘to? Ketchup? Nyikes! Bat nilalagyan nila ng ketchup ung corned beef? Tinanong ko si Mikhaela, “ba’t nyo nilalagyan ng ketchup?”. “masarap yan, subukan mo” sagot ni Mikheala. Sinubukan ko naman, “Hmmm… masarap nga ‘no!” at doon ko nga natutunan sa pamilyang iyon na maglagay ng Ketchup sa Corned Beef. May ilang recipe na natutunan sa kanila, ung toyong may asukal para sa sawsawan ng mangga. Mababait silang lahat. Pati mga parents ni Mikhaela. One day ulit, niyaya naman ako nila Tita Marie na dun ulit maglunch. Kasama naming kumain ang ate ni Borgy at sabay sabay kaming kumain ng Java Rice and Sweet & sour pork. “MMMM… sarap nito ah!” sabi ko. “Parents ni Mikhaela ang nagluto nyan!” sabi naman ni Tita Marie. Sarap palang magluto yung mga magulang nya. Pa’no ba naman may lahing Chinese ang mga father nya kaya magagaling magluto. May restaunrant pa sila dati. At yon minsan naman paghindi ko naihahatid si Mikhaela, kinukwentuhan ako ni Kuya Jong tungkol sa buhay ni Mikhaela at maliungkot pala ang naging takbo ng buhay nya. Mahabang salaysayin kaya hindi ko na isusulat dito. Isa pa medyo nakalimutan ko na ang ibang ditalye.

-oOo-

Kapag mga bandang hapon, uwian na nila Mikhaela, minsan kasabay pa rin nya si Pugo kaya welga nanaman. Minsan naman wala nga si Pugo pero dumating naman itong crush ni Mikhaela na si Tikyo. Kamukha daw ni Tirso Cruz kaya tuwing nasusulyapan nya iyon, grabe ang kilig na para bang nakakakita ng dumaan na ipis. Kaya ako naman, nag-iiba ang timpla at nagiging estatwang naghihimutok. Bawas Puntos nanaman para sa akin.

-end-

Friday, August 25, 2006

Prologue: We Blink, we wink

by Ivan Aguilar
Type: Fiction


Walang akong pasok nung mga panahong iyon. Huminto kasi ako sa pag-aaral. Financial problem ang dahilan. First year, Second semester lang naman ang hinintuan ko eh. Makakahabol pa ako. Kaya tinuon ko nalang ang natitirang semester sa pagtatrabaho sa Weblink. June 13 ako sumabak sa trabaho kaya habang nag-aaral ako, nagwowork ako at the same time. Part-time job ika nga. Halos araw-araw pumupunta ako sa Weblink para mag bantay ng mga Computer, Mag-assist sa mga ignoranteng customer, at maglinis ng banyo. Ayos naman ang pakikitungo sa akin pero isa lang ang problema. Hindi sapat ang aking kinikita. 100 pesos isang araw lang ang natatanggap ko. Sabi ng iba, ‘di na masama yun. Pero ang di nila alam. Hindi lang pagbabantay ng Weblink ang inaatupag ko. Pinaglilinis pa ako ng banyo at pinag-mamop ng maitim na sahig. Ewan ko ba kung ano’ng natapon dun sa dapat na maputing sahig nayon. Kulang na kulang ang 100 pesos para sa minimum salary na 250 pesos isang araw. Kaya napilitan akong gumawa ng kasalanan habang nasa loob ako ng Weblink. Ok lang, kabayaran lang ito sa maliit na sweldo at isa pa, wala naman ung may-ari eh… “MUWAHAHAHA! Pagkakataon ko na ito!!!”. Natutunan ko ito sa dati kong classmate nung highschool na si Jobert. Dati rin syang nagtrabaho doon. Kasabwat din namin ang isa sa mga naunang gumawa noon. Kasamahan ko sa trabaho sila Robert at Pikoy na lagi namang absent at inaasa sakin ang mga trabaho. Ang modus operandi, kapag may dumadating na customer, hindi namin nililista sa log book. Gumagawa nalang kami ng mini-logbook sa isip namin at tinatandaan kung anong oras nagsimula ang customer. Malas mo kung biglang dumating si Benny, boss namin, habang nadoon pa yung customer na wala sa log book. Kaya habang nakaupo sa frontline desk, inaabang namin ang kulay pink na Revo at pag nandyan na, gumagapang ang kamay ko para isulat kung anong oras nagsimula ang customer. Hehehe muntik na! Minsan nga sa sobrang inis ko, naka 900 pesos ako nung mga araw na yon. Hindi pa kasama ang 100 pesos na sweldo. Sobrang makasalanan ako noon. Pero hindi ito ang talagang chapter 3. Prologue lang ito at kaya naman sisimulan ko na ang chapter na may title na...


itutuloy...

Sunday, August 20, 2006

Do u evn know wat ur wearing?

Sinong hindi mahilig sa t-shirt, lalo na kung alam mong USO ang isang design. Pero karamihan satin, kesyo na uso, nagsusuot pa rin kahit hindi nila kilala o alam ang naka-disenyo.

Scenario A

Binatang naglalakad sa campus nang may biglang may nakitang schoolmate na may kaparehong t-shirt.

<..> oi chong, ayus yang suot mo ah!
[...] hehe, nax pareho tayo.
<..> nakikinig ka rin nyan? idol ku yang eh.
[...] huh, banda ba to? di ko alam eh. anong tugtugan?

Scenario B
Binatang naglalakad sa campus nang may nakitang binatang nakasuot ng astig na t-shert na kulay pula na may mukha ng sikat na Che Guevara.

<..> chong cool shirt ah!
[...] ah, salamat. idol ko si Chit Guerrero eh.



-end-

Monday, August 14, 2006

Talagang Nag-away

Guys, i know this is funny, pero mahirap talaga mag report ng live, nakakamental-block. Maski ako ganun. Kaya I really hate reporting... but, THIS IS REALLY FUNNY!!!




na-SAKSIhan nyo ba?

-end-

Wednesday, August 9, 2006

iBANG! item no.002

Alam nyo ba kung bakit masarap ang mga pagkain sa McDonalds sa America?

H_3170_21
BANG #0002
[source:The Tonigh Show with Jay Leno segment called HEADLINES]

Ganun din kaya dito?

-end-

Tuesday, August 8, 2006

stop your crying

Kakalagay ko lang ng Bolt Player sa blog ko at gumawa pa ako ng paraan kung pano-i-autoplay. Hehe...

wala lang.

So far, may mga nakapending akong post dito kaso wala akong time i-publish. Baka pag libre na ako at nasa mood. ^_^

Yung Title pala nung tumutugtog sa blog ko is It's Not Your Fault by New Found Glory. First single yan sa bago nilang album na Coming Home (na sa September pa ang release).

sa mga gustong malaman ang lyrics, eto:

It was a cold California,
Even in the summer
She was wrapped in a blanket by the pool
There were rapid statements
About life commitments
A sense of heat that I couldn't bear to touch
I couldn't bear it

It's not your fault,
So please stop your crying now
It's not your fault,
So please stop your crying now
Please stop your crying now
Now

There was staring in seclusion
A fine tuned way of motion
A face wrapped for a suitor
The sound of hearts pumping at the same beat
Coming around the corner
In almost all directions
A sense of heat that I couldn't bear to touch
No, I couldn't bear it

It's not your fault,
So please stop your crying now
It's not your fault,
So please stop your crying now
So please stop your crying

Now you wait for something to cure this
While I'm here under your down pour

It's not your fault,
So please stop your crying now
It's not your fault,
So please stop your crying
It's not your fault

It's not your fault,
So please stop your crying now
I'ts not your fault,
So please stop your crying now
No,
It's not your fault,
So please stop your crying now
It's not your fault
Please stop crying now


Yun lang!

-end-