Thursday, June 22, 2006

SCQ Reload

Masarap. Masarap ang pagkain. Masarap ang kumain. Masarap.
Sugpo, Alimango, Pusit, Crispy pata, Liempo, Pizza, Hamburger at Boy Bawang.
Lahat nang yan ay ilan lamang sa maituturing na Pampa-Highblood at pampa-taas ng CHOLESTEROL.
Oo nga't masarasarap yan. pero...
WHAT THE HECK!!? BASTA MASARAP! BAHALA NA!!! >.<


Matagal na panahon na rin na wala akong exercise sa katawan. Simula nung magbakasyon nung summer, hindi na ako nakakapag-papapawis (maliban na lang kung sobrang init sa kwarto). Sa bawat araw na lang na ginawa ng diyos, lagi akong kain, tulog, harap sa PC, laro ng PS2, tulog, gising, tulog, kain, and so on. Paulit-ulit. Walang nagbabago sa systema. BUMMER ika nga. Sobrang tamad. kulang na lang tamarin sa pag hinga.

At dumating na nga ang kinatatakutan ko, ang pag laki ng aking tiyan! Sa bawat araw siguro ng pag gising ko sa umaga, nadadagdagan ng 1cm ang taba ko sa tiyan. hindi maiwasan. masarap ang kanin. masarap ang golden liquid (pero hindi ako tomador)... (hindi rin ako defensive).

Marami na akong naiisip na gustong gawin at bilihin na tila imposible. Gusto kong bumili ng mga binebenta sa TV na pampaliit ng tiyan at gusto kong subukan ang "Piliates". Gusto ko ring bumili ng "Carbotame" na pampawalang gana sa pagkain. Pero nitong huli lang, nagising ako sa katotohanan. San naman ako kukuha ng perang pambili nung mga yon. Isa pa, may mga ibang paraan pa naman. Pwede akong mag enroll sa isang gym o kaya mag enroll sa isang Boxing Training Center. Pero tila nababaliw nanaman ako. Kelangan ko muna habaan ang aking stamina dahil madali talaga akong mapagod. Isang paraan para habaan ito ay ang pag-jojogging (ng seryoso at walang kinakarir *wink*).

Kaya nagpasya na ako. Kelangang simulan ko na ang pag eehersisyo para maabot ko ang aking gustong hubog ng katawan. hehe. This time, gusto ko canstant na at walang mintis. Tuesdays and Thusdays ang napili kong araw dahil nasimulan ko na kagabi, June 20, Tuesday. Niyaya ko mag jogging sina Hubert (yoo-bert) at Tejal (teh-hal) sa Sports Center dito sa Marikina. Pumayag naman ang mga loko at feeling ko gusto kin nilang lumiit ang mga abdomen nila. Isa lang pala ang aming hangarin. Lumiiit ang tiyan at tingin ko, its time for a QUEST. The Sports Center Quest! (*jejejejeng!!!*)

Gabi... 7:something PM

Nagpunta na si Tejal(teh-hal) sa bahay at si Hubert(yoo-bert) ay dumating 30mins later, para sunduin ako. Mula bahay, nilakad namin papuntang Sports Center. Mejo malayu-layu din ang nilakad namin. (Isipin nyo na lang Cartimar sa Recto hanggang Mayric's Bar sa Espaƃ±a na may liku-liko). Ayos lang para naman ma-warm-up kami. Pagdating sa may harap ng entrance, may naalala akong tao. Pero saking na lang yun *wink* ^^. Nagbayad na kami ng entrance fee na umaatikabong Limang piso or Five pesos (para sa mga naguumingles) at pagpasok namin, gyera na...


"say my name biatch!"


Buddy en Sol


"'Wag jan please"


Super Exhausted


"ako'y isang PANIKI! ik-ik!"


"Pare, sleep na tayo...*yawn*"


"pari kamira wu!"


"HUY ELYEN OH!!!"


Ninjitsu


"tutulog na muna ako"

Ang sarap ng feeling pag seryoso ka sa ginagawa mo. Kaya pag uwi namin ng 11PM, dumirecho kami sa isang Tres Pares na restaurant. umorder ako beef mami at ang sarap!!! yum-yum! yung dalawa, nag beef pares naman.

First round pa lang yang ng SCQ namin. Marami pang darating na SCQ sa mga susunod na araw. Kaya kelangan, kumain ng sapat at matulog ng maaga.

~end.

Thursday, June 15, 2006

Chapter I: A Widely Opened Gate

Christmas is just around the corner. Angelo, Jamie and I were Counter-strike addicts back then. And because it is our Christmas vacation and we were being eaten by boredom in the middle of our street, we decided to try the newest Counter-strike gaming shop along "The Street". It's just six blocks away lang naman from Angelo’s house, so bakit hindi, subukan natin!
As we walk by along "the street", humirit si Jamie, "uy balita ko may chick daw jan ah." Ako naman, "oo" lang dahil, wala pa naman akong interest sa mga chick nung mga panahong yon eh.

Then ayan na, we just entered a widely opened gate at naka-helera kami sa pagpasok. Nasa gitna ako nung dala kong kasama. Tanaw na naming ang iba pang adik sa Couter-strike at ang iba pang Computer. Wala pa kami sa kalahati ng garahe nang biglang bumukas ang puting pintuan sa right side ng garahe at may lumabas na animo’y isang maputing anghel na chinita at napatingin sa aming tatlo. Nabaling din ang tingin nya sa akin at ako nama’y parang kinuriyente. Pero hindi ko yun punahalata sa dalawa.


to be continued...

Wednesday, June 14, 2006

Catalyst

catalyst (n): a chemical substance that produces a reaction, but does not participate in said reaction.
or
catalyst (n): someone who unintentionally causes bad things to happen.
"well both definitions of catalyst could be
right...it could the chemical catalyst metaphorically, that the person passively
does things to cause trouble or it could be also be a person who causes bad stuff
accidently."
Anu ba yun? haha... basta alam ko. Gusto ko ulit buhayin itong blog ko na'to. tinggal ko na ung mga kung anu-anong cheche-bureche. haha... ang inportante naman eh yung mga pinopost ko dito diba? diba-diba?

Wala na rin yung mga iba kong links. Pero wag kayo mag alala (kung may nakakabasa man nito), i-lilink ko ulit kayo dito. Just give me some time. okay?

Anyway, san ba ako mag sisimula?

Andami nang nangyari, and dami na rin lumipas. Gusto ko ulit mag bahagi aking buhay dito sa pag-boblog. Tumigil ako kasi tinamad na ako, daming inaasikaso *wink*, at daming gumugulo s isip ko. Isa pa, ayokong mag aksaya ng pera sa araw-araw o linggu-linggong pag rerenta ng computer sa mga shop para lang mag post ng entry. Pero ngayun, big time na ako. Nagpakabit na kasi ako ng internet sa bahay namin. Nainganyo kasi ako sa patalastas sa TV. Yung Smart BRO wireless broadband. Mura lang kasi at di na kailangan ng linya ng telepono. Hindi kagustuhan ng mga magulang ko na magpakabit ng internet dito sa bahay dahil baka daw makasira sa pag-aaral ko. Sabi ko naman, para sa school projects ko naman gagamitin *wink*.

Kaya rin ako ulit ituloy ang blogging na ito dahil gusto kong ibahagi at mabasa nyo ang aking unang librong ginawa. Pero di pa sya libro dahil nakasave sya dito sa PC at nawawala ang manuscript ko nun. Ginawa ko yun nung 2003 at nabubulok na sa loob ng hard disk at di na napapakinabangan kaya naisipan kong dito na lang i-lathala.